‘10 taon ko sa PSN’
MANILA, Philippines - Sa loob ng 10 taon na naging bahagi ako ng Pilipino Star NgaÂyon (PSN) ay marami akong karanasan na hindi malilimutan.
Sa bawat tipa ng kamay mula sa makinilya (unang ginamit ng mga reporter sa mga press office) hanggang sa makabagong tekÂnolohiya, ang computer ay malaking hamon upang ipagpatuloy ang adhikaing makapag-hatid ng balita sa mga mamamayan sa lahat ng sulok ng ating bansa.
Nang una akong maging correspondent ng PM o Pang-masa (kapatid na pahayagan ng PSN) na naka-beat sa Camanava area (Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela) ay naging simula ito upang maramdaman ko ang pagiging bahagi ng STAR Group of Publications bunga ng mga makataong pagtrato na ibinibigay ng management nito.
Ang Camanava area na itinuturing ng maraming mga beat reporters na lugar ng “kangkungan, o patay na beat†ang isa sa naging daan ko para umusbong bilang mamamahayag. Dito ako lubos na natuto sa mga pamamaraan at mga makabagong estratehiya sa larangan ng pagkuha ng balita dahil na rin sa tulong ng mga editors ng PSN.
Sa Camanava pa lang ay naramdaman ko na ang pagtangkilik ng mga mamamayan, opisyales ng pamahalaan, miyembro ng kapulisan. Hindi makakaila na ang PSN kasama na ang kapatid na PM ang mga nirerespetong pahayagan sa lahat ng nag-usbungang tabloid newspaper sa bansa.
Patunay dito ang pagkakaroon ng personal na kopya ng bawat tanggapan ng lokal na pamahalaan sa apat na siyudad upang sundan ang bawat pangyayari o nangyayaring naisusulat sa kanilang mga lugar.
Hindi lang yan, naÂging basehan din ang pahayagan ng mga istasyon ng radio para makakuha ng balita, dahil nauuna lagi ang PSN sa pagkuha ng bagong balita.
Ang paghasa sa akin sa Camanava ay naging mabunga, dahilan para dalhin ako sa mataas na antas ng pagiging mamahayag nang ilipat ako ng beat sa Eastern Police District (EPD) sa Pasig City. Ang EPD ang isa sa may pinakamalaÂking nasasakupang lugar sa Metro Manila.
Sa EPD ay naging mabilis ang pag-unlad ng aking talento, dahil bukod sa police stories, kasama na rin sa mga kinokober ko ang national stories tulad ng Department of Education (DepEd), Department of EnergyÂ, PhilipÂpine Overseas and Employment Agency (POEA) at ang pinakamatindi ay ang rally na ginaganap sa EDSA Shrine.
Ang ganitong kabilis na coverage ay lalong nagpatindi sa aking kakayahan sa larangan ng pagsusulat lalo pa’t nasanay ako sa simpleng coverage sa Camanava, subalit sa EPD ay naiibang karanasan mas bago at nakadagdag ng experience.
Pero dahil sa pinaÂtindi ang paghahasa sa aking karanasan sa pagsusulat, muling sinubok ng publikasyon ang aking kakayahan para matutunan ang lahat ng uri ng paghamon.
Sa pagkakataong ito, mula EPD ay dinala ako sa Quezon City na mas malaki at malawak na siyudad.
Dito ay nakapokus ang aking pagkuha ng balita sa mga gawain ng kapulisan, ang Quezon City Police District (QCPD). Pero dahil sa laki at lawak ng siyudad, maraming ahensyang nakatayo dito tulad ng Department of Interior and Local Government (DILG), Bureau of Fire (BFP) at Bureau of Jail and Management (BJMP) na kasama sa aking binabantayan.
Ang pagkilala sa PSN sa lungsod ng QC bilang mapagkakatiwalaang pahayagan ay lalong napatunayan, matapos bigyan tayo ng “plaque of appreciation†ng kagawaran ng QCPD dahil sa maayos na coverage sa mga “heinous crimes†na ibinabahagi natin sa kanila bukod pa ang balanseng balita na sinusulat hinggil sa mga opisyales nito.
Gayunman, ang lahat ng mga ito ay nakamit dahil na rin sa tulong ng buong editorial staff, magmula sa aming editor-in-chief Al Pedroche, Bansa Editor Rowena del Prado, Metro Editor Jo Lising-Abelgas at Probinsia Editor Mario Basco, gayundin ang editor ng PM na si Jun Trinidad na tumulong sa akin para makapagsimula sa aming publikasyon.
Bukod dito, dahil sa maayos na gabay sa pamumuno ni Sir Miguel Belmonte, ang PSN hanggang sa kasalukuyan ay nanaÂtiling nirerespeto at tinaÂtangkilik ng publiko, propesyunal, estudÂyante at sinuman sa laÂrangan. At napatunaÂyan ko ang lahat ng ito sa loob ng halos 10 taon.
- Latest