‘Edad hindi hadlang sa pag-aaral’’
“Hindi hadlang ang edad sa nagnanais na makapag-aralâ€.
Ito ang madalas na maririnig na kasabihan sa mga taong may deterÂminasyong mag-aral sa kabila ng kanilang edad o estado sa buhay.
Pero para sa akin na medyo may edad na rin, marami rin akong ikinokonsidera at isinaalang-alang bago nag-enroll sa off campus program ng NaÂÂtional Press Club (NPC) at ng PamanÂtasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).
Una na ang piÂnansyal na kalagayan dahil tiyak na dagdag na gastos na naman dahil sa tuition.
Pangalawa ang trabaho ko at ang pamilya ko na posibÂleng mapabayaan ko dahil sa aking muling pag-aaral. Kaya sa tuwing tatawag sa akin ang Vice-President ng NPC na si Marlon Purificacion at pinipilit akong mag-enroll, ang lagi kong sinasagot sa kanya, baka hindi ako mag-enroll dahil dagÂdag budget na naman yan. Pero saÂsagutin naman ako nito na “walang katumbas na halaga ang edukasÂyonâ€. kaya naman dahil dito, nahikayat ako na mag-enroll ng Bachelor in Business and Public Administration (BBPA).
Matapos ang mahigit isang dekada ay nagbalik-eskwela ako subalit dahil sa halos karamihan sa aking mga kaklase ay pawang mga taga-media rin o mga taong may kaugnayan din sa media kaya’t naging kampante na ako.
Subalit hindi pa rin naging madali para sa isang working Mom na mag-balik eskwela dahil sa halip na ilaan ko sa pamilya ko ang buong araw ng Sabado na day off ay nasa NPC ako hanggang gabi para mag-aral.
Samantalang mula Linggo naman hanggang Biyernes ay nasa House of ReÂpresentatives ako para gampanan ko ang aking trabaho bilang reporter.
Minsan kapag nakakaramdam ako ng pagod at pressure dahil sa sabay-sabay na coverage, exams at assignment kaya naiisip ko rin na huminto na lamang sa pag-aaral at guilty feelings dahil sa halos wala na rin kaÂming bonding ng aking mga anak na madalas umaalis ako ng bahay na tulog pa sila at dadatnan ko rin sa gabi na tulog na rin.
Pero salamat na lang sa tulong ng PaÂnginoon at sa aking mga classmates na laging nagpapaÂlakas ng loob ko para ipagpatuloy ang aking pag-aaral.
Malaki rin ang naÂitulong sa aking pag-aaral ng aking mga experience sa trabaho bilang mamamahaÂyag dahil halos lahat ng mga itinuturo sa kurso ko ay may kaÂugnayan sa pagpapaÂlakad at pamamahala sa mga sangay ng gobyerno kaya naman sa kabila ng nararamÂdaman kong pagod ay hindi naÂging hadlang ang aking trabaho sa aking pag-aaral.
At matapos nga ang mahigit isang taon, nagbunga na ang aking pagod dahil ga-graduate na ako at ang buong NPC-BBPA Batch 2 sa Abril 12, 2013.
Salamat din sa pamunuan ng NPC dahil sa kanilang programa ay marami silang natutulungang mga mamamahayag na nagnanais pa rin mag-aral.
Gayundin ang aking pasasalamat sa aming publisher na si Boss Miguel Belmonte, EditorÂ-in-Chief Al Pedroche at Nation Editor Rowena del Prado sa suporta na ibinigay nila sa akin.
To God be the glory!
- Latest