12,000 mag-aaral natulungan ng SSS Educ-Assist
MANILA, Philippines - Mahigit 12,000 mag-aaral sa kolehiyo at kumukuha ng vocational courses ang nabigyan ng tulong-pinansyal ng Social Security System sa pamamagitan ng SSS Educational Assistance Loan (Educ-Assist) program.
Ayon kay SSS Asst. Vice President for Lending and Asset Management Ma. Luz C. Generoso, umabot sa P148.64-milyon halaga ang nailabas ng SSS para sa Educ-Assist noong 2012, kung saan P145.84-milyon ang nagamit para sa pag-aaral ng 11,790 mag-aaral sa kolehiyo at P2.8-milyon naman para sa 398 mag-aaral ng mga voc-tech program.
“Ang layunin ng Educ-Assist ay kaugnay ng adhikain ng ating pamahalaang gawing abot-kamay ang edukasyon para sa bawat Pilipino,†sabi ni Generoso. “Nakadadagdag din ito sa pagsigla ng ekonomiya ng bansa sapagkat nahihimok ng programa ang ating mga miyembro na mas maging produktibo sa kanilang mga trabaho,†dagdag niya.
Ang Educ-Assist ay may pondong nagkakahalaga ng P7-bilyon kung saan ang P3.5-bilyon o kalahati nito ay mula sa pamahalaan. Sinimulang buksan ang programa noong Araw ng Manggagawa ng Mayo 2012.
Inaasahan din ng ahensya na mas marami pa ang makikinabang sa ilalim ng Educ-Assist loan program ngayon taon. Ito ay matapos baguhin kamakailan ang guidelines ng programa na sa simula ay sumasaklaw lamang sa mga miyembrong may buwanang kita na P10,000 o mas mababa rito.
“Ngayon, maging ang mga miyembro nating may kita na P15,000 kada buwan ay maaaring mag-loan sa Educ-Assist. Kinakailangan lamang na may tatlong hulog ang miyembro sa nakalipas na isang taon at may kabuuang hulog na ‘di liliit sa 36 buwan,†paliwanag ni Generoso.
Sa ilalim ng Educ-Assist, ang miyembro ay maaaring mag-loan para sa kanyang pag-aaral, pag-aaral ng anak o asawa, o ng kanyang kapatid kung ang miyembro ay wala pang asawa. Ang isang miyembro ay maÂaaring mag-loan para sa isang beneÂficiary lamang.
“Ang kagandahan ng programang ito ay natutustusan nito ang pangangailangan ng miyembro sa pagpapaaral hanggang sa matapos niya o ng kanyang beneficiary ang kanilang kurso. Ilalabas lamang ng SSS ang halaga ng naaprubahang loan kada bago magpasukan sa miyembrong kumuha nito,†paliwanag ni Generoso.
Ang maximum loanable amount ay P15,000 para sa college degree program at P7,500 para savoc-tech courses. Babayaran ang loan sa loob ng limang taon para sa college courses at tatlong taon naman para sa voch-tech courses. Magsisimula ang pagbabayad isang taon pagkatapos ng graÂduation o mula sa petsa kung kailan inilabas ang huling loan.
- Latest