^

Bansa

K to 12 program ng DepEd,pirma na lang ni PNoy ang kulang

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Pirma na lang ng Pa­ngulong Benigno Aquino III ang kulang upang ma­ging batas ang isinulong na K to 12 Basic Education Reform program ng Department of Education (DepEd).

Naratipikahan o pasado na sa Kongreso at Senado ang K to 12 program at ngayon ay nasa Malakanyang na ang ‘bola’ para ito’y maging ganap na batas sa bansa.

Ikinatuwa ni Education Secretary Br. Armin Luistro ang mabilis na pagkakapasa ng mababa at mataas na kapu­lungan ng kongreso ang na­sabing panukalang batas na aniya’y magbibigay ng magandang pondasyon sa karunungan ng bawat isang estudyante sa bansa.

Ang K to 12 ay sinasabing produkto ng malaliman at malawak na konsultasyon sa ‘multiple stakeholders’ sa tulong at koordinasyon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Commission on Higher Education (CHED) para ireporma ang sistema ng edukas­yon sa bansa.

“We eagerly await the President’s signature on this important reform in our educational system which was part of his campaign promise,” pahayag pa ni Luistro.

Puspusan ang ginawang pagtatrabaho at pagpupuyat ng mga opisyal ng DepEd para matiyak na maipatupad ang Basic Education Reform program.

Bagama’t hindi pa tuluyang ganap na batas ang K to 12 program ay sinimulan na itong ipatupad ng DepEd nitong school year 2012-2013.

Kasama sa K to 12 program ang kindergarten, anim na taon sa elementary education (grade 1 hanggang 6), apat na taon sa junior high school (grade 7 hanggang 10), at dalawang taon sa senior high school (grades 11 at 12).

Ayon sa DepEd, ga­gamitin ang dalawang taong nadagdag sa high school para sa mas ma­lalim na specialization, depende sa career na gustong tahakin ng estudyante.

Sinabi ni Sec. Luistro, sa ngayon ang papalitan lamang na curriculum ay Grade 1 hanggang Grade 7.

Aniya, sa ilalim ng programa ay tututukan ng mga guro ang subject na Mathematics, partikular na ang Geometry, Algebra at Trigonometry.

 Inihayag ng Kalihim, kailangan makasabay sa international competition ang bawat Pinoy na mag-aaral dahil karamihan umano sa mga kalapit nating bansa ay nagpapatupad na ng K to 12 basic education program sa kani-kanilang mga estudyante.

Naghihingalo na umano ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas at napag-iiwanan ang ating mga mag-aarala kaya kailangan ng sumunod sa sistemang ipinatutupad ng ibang bansa.

Tiniyak ni Luistro na makikinabang ng malaki ang mga mag-aaral sa bansa sa pagpapatupad nila ng K to 12.

Inihayag naman Fr. Gregorio “Gregg” Banaga Jr., presidente ng Adamson University at isa sa pangunahing nagsusulong ng K to 12 program ng Department of Education (DepEd) na ang lahat ng magtatapos sa grade 6 ay papasok sa grade 7 sa darating na pasukan.

“Wala na pong tatawaging 1st year to 4th year high school sa halip ay grade 7 na hanggang grade 12” ani Fr. Gregg.

Si Fr. Gregg ay siya ring Pangulo ng Catholic Educational Association of the Philppines o samahan ng lahat ng paaralan na pinatatakbo ng simbahang Katoliko.

Aniya, nasa ‘cronic illness’ o naghihingalo na ang kalagayan ng edukasyon sa bansa kaya kailangan ng baguhin ang sistema ng pagtuturo sa mga estudyante para makasabay sa ‘global competition’.

Inihayag pa ni Fr. Gregg na may suporta naman ang pamahalaan sa mgamag-aaral sa mga pribadong paaralan sa pagpapatupad sa K to 12 program ng DepEd kung saan ay P10,000 sa National Capital Region (NCR) at P5,000 naman sa mga probinsiya habang libre naman sa mga pampublikong paaralan.

Marami namang magulang ang tutol sa dagdag na dalawang taon na pag-aaral ng mga estudyante dahil panibago umanong pasanin sa kanila ang dagdag na gastos sa tuition fee at iba pang bayarin pero wala ng magagawa dahil sisimulan ng ipatupad ng DepEd ang K to 12 program nito sa darating na pasukan.

Kabilang sa mga tumututol sa programa ay ang Manila Public School Teachers Association (MPSTA) sa pangunguna ng kanilang presidente na Benjie Valbuena.

“Kung gusto nila ng de-kalidad na edukasyon, bakit hindi nila dagdagan ang mga klasrum at guro?, ani Valbuena.

Tutol din si Kabataan Partylist Rep. Raymond Palatino sa implementasyon ng K to 12 ng DepEd na nagsabing hindi garantiya ng bagong kurikulum ang pagkakaaroon ng improvement sa pag-aaralan ang mga estudyante.

Hindi dapat magpokus sa academic cycle, isang factor lang yan. Mas higit na dapat tugunan ang mga pundamental na problema ng edukasyon,” paliwnag ni Palatino.

Sa panig ng DepEd ay isa itong makaling accomplishment para sa kanila matapos maipasa ito sa Kongresso at Senado lalo na kapag tuluyan na itong pinirmahan ng Pangulong Aquino.

 

BASIC EDUCATION REFORM

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPED

EDUCATION

GRADE

GREGG

INIHAYAG

PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with