Kaso vs Royal Army ‘di napapanahon
MANILA, Philippines - Niloloko umano ng gobyerno ang publiko sa paghahayag nito na may breakthrough na sa Sultan ng Sulu.
Ito’y matapos na mismong si Sultan Jamalul Kiram III na ang nagpahaÂyag na hindi niya otorisado ang pakikipag-usap kay DILG Secretary Mar Roxas ng kanyang kapatid.
Ayon kay Zambales Rep. Milagros Magsaysay, ang hakbang ng gobyerno ay lalo lamang umanong nagpapalala sa sitwasyon laban sa mga kapatid na Muslim.
Sa pamamagitan umaÂno ng pagbabanta na saÂsampahan ng kaso ay lalo lamang itong magtutulak sa kanila na lumaban sa kanilang karapatan sa Sabah at makakuha ng simpatya sa mga Filipino.
Maling mali rin umano ang hakbang ng gobyerno na isulong ang interes ng Malaysian sa halip na interes ng ating mga kababayan.
Giit pa ni Magsaysay bigo na nga ang pamahalaan na protektahan ang sariling tao at hinahayaan pa magkaroon ng casualties dahil sa karahasan sa Sabah.
- Latest