^

Bansa

Solon kay Binay: Mga Pinoy sa Sabah unahin!

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat makialam na rin si Vice-President Jejomar Binay sa kaguluhan sa Sabah sa halip na tutukan ang kaso ng isang Filipino na nahaharap sa kasong bitay dahil sa pagpatay sa isang Sudanese national sa Saudi Arabia.

Ayon kay House Assistant Minority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez, dapat na hindi pinag-aaksayahan ng oras ni Binay ang pagkalap ng blood money para kay Joselito Zapanta, 32, tubong Bacolor, Pampanga.

Paliwanag ni Romual­dez, ito ay dahil sa nahatulan naman ito ng parusang kamatayan ng pamahalaan ng Saudi Arabia samantalang ang mga Filipino na nasa Sabah ay napapatay na inosente at walang kinalaman sa kaguluhan sa pagitan ng Malaysia at  grupo ni Sultan Jamalul Kiram III.

Sa ngayon ang mahalaga umano ay magtulungan at gawin ang lahat ng paraan ng gobyerno upang mailigtas ang mga Pinoy na nasa Sabah.

Malinaw din umano na “mishandled”ng gobyerno ang kaguluhan sa Sabah tulad ng nangyari sa Luneta Hostage taking ilang taon na ang nakakaraan kung saan tumagal pa ng ilang oras ang hostage drama subalit nagresulta pa rin ito ng pagkakasawi ng hostage-taker at ilang Hong Kong nationals.

Nilinaw pa ng mambabatas bagamat layunin ng pamahalaan ang buhay at kalayaan ng mga Filipino, dapat pa rin unahin ni Binay ang mga Pinoy na naiipit sa bakbakan sa Sabah.

BINAY

HONG KONG

HOUSE ASSISTANT MINORITY LEADER

JOSELITO ZAPANTA

LEYTE REP

LUNETA HOSTAGE

MARTIN ROMUALDEZ

PINOY

SABAH

SAUDI ARABIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with