‘Nangangako pa lang ‘yung iba, ako nagawa ko na’ - Hagedorn
MANILA, Philippines - “’Yung ibang kandidato nangangako at nagpaplano pa lang. Tayo tapos na ‘dyan at marami pa tayong isusulong na mga batas kapag nahalal tayo sa Senado.â€
Ito ang pagmamalaking inihayag ni independent senatorial bet at Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn na tiwalang makakapasok siya sa “Magic 12†pagdating ng May 13 mid-term elections sa kabila na naungusan siya nang bahagya sa pinakahuling survey na pinalabas ng Pulse Asia ngayong linggo.
Nanindigan ang popular na alkalde na ang naglabasang resulta ng survey ay hindi garantiya na siguradong mananalo ang sinumang kandidato.
Sa pinakahuling survey nitong February 24-28, tinukoy ni Hagedorn na wala pa sa kalahati ng mga botante (42%) ang nagsabi na mayroon na silang napili na kumpletong senate slate (12 kandidato).
Ipinagmalaki din ni Hagedorn na sa mga independent candidates ay tanging siya lamang ang nakadikit sa mga kandidato ng administrasyon at oposisyon, isang palatandaan aniya na ang natitirang 60 porsiyento ng mga botante ay mag-aangat pa sa kanyang kandidatura.
Ipinagmalaki pa nito na sa kanyang 9-taon paÂnunungkulan bilang mayor ng Puerto Princesa naiangat niya ang siyudad sa dating simpleng ‘fishing community’ patungo sa isang ‘world famous tourist destination.’
- Latest