^

Bansa

Kuto uso na naman

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Uso na naman ang kuto ngayong summer kaya pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na umiwas sa paghiram ng personal na gamit tulad ng suklay, sombrero, kumot at unan upang hindi mahawa ng kuto.

Sinabi ng DOH na tuwing tag-init ay madaling mapisa ang kuto kaya mabilis ang kanilang pagdami at pangingitlog.

Ginawa ng DOH ang babala kasunod ng naitalang pagdami ng kaso ng kuto ngayong summer.

Nabatid na sa isang eskuwelahan sa Albay ay nagdadala ng suyod ang mga estudyante dahil hindi matiis ang sobrang pangangati ng kanilang ulo na istorbo sa kanilang pag-aaral.

 

ALBAY

DEPARTMENT OF HEALTH

DOH

GINAWA

KANILANG

KUTO

NABATID

SINABI

USO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with