Tubig, hangin sa Leyte landslide pasado - DENR
MANILA, Philippines - Hindi nagkaroon ng river contamination mula sa pipeline na naapektuhan ng landslide sa Leyte sa geothermal complex ng Energy Development Corporation (EDC) base sa water samples na kinuha sa landslide site.
Ito ay batay sa report ng multipartite monitoring team na nagsagawa ng imbestigasyon sa landslide sa PAD 403 ng EDC Complex sa Upper Mahiao, bayan ng Kanaga, kung saan ang water samples na kinuha mula sa hot spring malapit sa landslide area ay tumutugon sa water standards ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sinuri ang tubig sa DENR impact station sa TGP7 para sa boron, na isang natural indicator ng geothermal steam kung saan ang resulta ay 0.25 ppm (parts per million) -- isang indikasyon na pasok sa DENR water quality standard na 0.75 ppm.
Kinuha ang water sample noong March 1 bandang alas-2 ng hapon o mahigit apat na oras makalipas ang landslide na tumama sa pipeline ng PAD 403 na naging sanhi ng pagkasira at pag-release ng steam. Nasawi ang 14 manggagawa sa landslide habang walo ang bahagyang nasaktan.
Kumuha rin ng anim na air quality tests noong March 1 kung saan sinuri ang lebel ng air pollution ng H2S o hydrogen sulphide. Lumabas sa resulta ng air sampling ay 0.002 hanggang 0.034 ppm na may average na 0.02 at nag-qualify din sa DENR H2S ambient standard na 0.07 ppm.
Binanggit din sa report na ang EDC ay “sumusunod sa standard operating procedures para sa occupational safety sa lahat ng geothermal projects†gayundin sinabi sa ulat na “mayroong nakatalagang safety officers sa project sites upang matiyak na tumutupad sa safety regulations.â€
- Latest