Edad, hitsura huwag gawing basehan sa pagkuha ng aplikante
MANILA, Philippines - Umapela kahapon si dating Senator Richard J. Gordon sa mga kumpanya na gawing basehan ang edukasyon at abilidad sa pagpili ng mga manggagawa at huwag ang edad at anyo ng aplikante.
Ayon kay Gordon, daÂpat nang wakasan ang diskriminasyon sa mga aplikanteng may edad na o kaya ay hindi pasok sa kanilang panlasa pagdaÂting sa pisikal na kaanyuan.
“Pag matanda ba kayo, tatlumpung-taong gulang pataas, madali ba kayong makakuha ng trabaho? Hindi dahil kayo ay over-aged…Tapos kapag pinakita niyo ang inyong litrato – bungal, pag pinakita nyo ang litrato nyo – pangit, kukunin ba kayo? Ang mga mahihirap hindi makakuha ng trabaho,†ani Gordon.
Mahalaga aniyang tingÂnan ng mga employer ay ang sipag, kakayahan at dangal ng manggagawa.
Anya, ang dapat na menÂtalidad ng mga emploÂyer ay “wala akong pakiaÂlam kung pangit ka o matanda ka. Wala akong pakialam kung ilang taon ka na.â€
Naniniwala si Gordon na dapat pa ring isulong sa Kongreso ang pagpasa ng “equal opportunity law†na sisigurong hindi na lang basta-basta mababasura ang aplikasyon sa trabaho ng isang manggagawa dahil siya ay mahirap, pangit o kaya ay may edad na.
- Latest