^

Bansa

PNP nagbabala vs pekeng P1,000 bills

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Philippine National Police (PNP) sa nagkalat na mga pekeng P1,000 peso bills sa mga pangunahing lungsod sa bansa na umano’y ginagamit ng mga tiwaling indibidwal.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo, ang mga pekeng pera ay ipinakakalat partikular na sa National Capital Region, Ilocos Region, Southern Tagalog Region sa loob ng nakalipas na tatlong buwan.

Ang mga pekeng P1,000 peso bills ay nasa Maharlika area umano sa Taguig City na ibinenta sa isang alyas Jay-R at Roy; pawang residente ng Daang Hari, Taguig City sa halagang P300 bawat isang piraso ng naturang pekeng bills.

Patunay nito, ayon pa sa opisyal ay ang pagkakaaresto sa pitong suspek na nahuling ibinibili ang pekeng P1,000 peso bills at buy bust operations sa Pasay City kamakailan na nagresulta sa pagkakasamsam ng 80 piraso ng naturang pekeng pera.

Nanawagan din si Cerbo sa publiko na ireport kaagad sa mga awtoridad ng illegal na transakyon ng mg pekeng pera sa pamamagitan ng pagte-text s PNP hotline “I-TEXT MO KAY TSIP “ 09178475757 at PNP TXT 2920 o tumawag sa numerong 7255115 o7253179 at maari ring mag-email sa [email protected].

DAANG HARI

GENEROSO CERBO

ILOCOS REGION

NATIONAL CAPITAL REGION

PASAY CITY

PEKENG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SOUTHERN TAGALOG REGION

SPOKESMAN CHIEF SUPT

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with