Heneral ni Kiram napatay
MANILA, Philippines - Narekober ang bangkay ng umano’y tumataÂyong heneral ng Sulu Royal Army na kinilalang si Haji Musa, na kasa-kasama ni Raja Mudah Agbimmudin Kiram na namumuno sa Royal forces sa Sabah.
Sa report ng Malaysian authorities, kinumpirma ni Sabah Police chief Commissioner Datuk Hamza Taib na si Haji Muda ay isa sa may 23 bangkay na nakuha sa Kampung Tanjung Batu. Ang ibang mga labi ay nahukay umano sa Tanduo sa Lahad Datu.
Dahil dito, umakyat na sa 54 Pinoy Muslims ang bilang ng umano’y napatay sa sagupaan sa pagitan ng Malaysian security forces at Royal army na pinamumunuan ni Rajah Muda, kapatid ni Sultan Jamalul Kiram III na isa sa mga sinasabing tagapagmana ng Sabah.
Base sa report, patuloy ang paghuhukay ng Malaysian authorities at pinaniniwalaang may marerekober pa silang mga bangkay sa Kampung Tanduo na naging sentro ng sagupaan simula noong Marso 6.
Sa ulat, nasa 97 katao na inuugnay sa grupo ni Rajah Muda ang nasa kustodya ng Malaysian Police. Kabilang umano sa mga nasa naaresto ay malalapit na kaanak ng mga Kiram na nakabase sa Sabah.
Samantala 125 katao pa na hinihinalang mga Pinoy din ang inaresto at ikinulong matapos na pumasok sa lugar kung saan ginagawa ang opeÂrasyon ng Malaysian forces.
- Latest