^

Bansa

21 Pinoy na pinalaya sumasailalim sa stress debriefing

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumasailalim ngayon sa post traumatic syndrome debriefing ng Uni­ted Nation (UN) ang 21 sundalong Pinoy na nagsisilbing peacekeepers  sa Golan Heights matapos  silang bihagin at palayain ng Syrian rebels.

Ayon kay AFP Peacekeeping Operation Center Chief Col. Roberto Ancan, naisailalim na sa medical checkup at ngayon ay stress debriefing na ang isinasagawa sa 21 sun­dalong pinakawalan sa Jordan ng kanilang mga abductors.

Sinabi ni Ancan, ki­na­kailangan pa umanong matingnan ng mga UN stress counselor partikular na ang mga psychologist at psychiatrist ang mga Pinoy peacekeepers na may tatlong araw ring bihag ng mga rebelde matapos  ang mga itong dukutin sa checkpoint sa ceasefire zone sa Jamlah Village sa hangganan ng Syria at Israel.

Ang hakbang ayon sa opisyal ay upang matiyak kung walang dinaranas na trauma at may kaka­yanan pa ang naturang mga sundalong Pinoy na isalang muli sa peacekeeping mission.

Matapos palayain ng Syrian rebels ang mga Pinoy peacekeepers ay babalik na ang mga ito sa Golan Heights.

ANCAN

AYON

GOLAN HEIGHTS

JAMLAH VILLAGE

MATAPOS

PEACEKEEPING OPERATION CENTER CHIEF COL

PINOY

ROBERTO ANCAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with