P2.5-M puslit na bangus nasamsam
MANILA, Philippines - Muli na namang naÂkakumpiska ng mga kontrabando na kinabibilangan ng mga isdang bangus na nagkakahalaga ng P2.5 million ang mga tauhan ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy BiaÂzon matapos na magsagawa ang mga ito ng inspection sa warehouse ng dalawang cargo company sa Pasay City noong Sabado ng hapon.
Base sa isinumiteng report kay Biazon nina NAIA District Commander Marlon Alameda at Assistant Chief and Investigation Customs Police Byron Carbonell, ng BoC, Task Force React, nakasamsam sila ng kahung-kahong illegal na kargamento na naglalaman ng mga isdang bangus.
Lumabas sa report, dakong alas-4:42 ng hapon ay nagsagawa ng inspection ang mga tauhan ni Biazon, na pinangungunahan nina Alameda at Carbonell sa warehouse ng Pair Cargo at nakumpiska dito ang 88 kahong mga isdang BaÂngus, na ibiniyahe sa Flight SQ916 at ang 61 kahon naman ay isinakay mula sa Flight CX905.
Mula sa warehouse ng naturang cargo company, nagsagawa rin ng inspection ang mga tauhan ni Biazon sa warehouse naman ng Miascor Cargo at nasamsam dito ang ilan pang kahon ng illegal na kargamento kung saan ang kabuuang bilang ng mga kahon na naglalaman ng mga isdang bangus ay nasa 210, na tinatayang nagkakahalaga ng P2.5 million.
Sa isinagawang beÂrepikasyon ng mga taga- BoC, napag-alaman na walang permit mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang naturang mga kargamento.
Dahilan upang kaÂagad itong kumpiskahin ng mga tauhan ni Biazon at inaalam pa ang mga pangalan ng consignee nito, na nakatakdang sampahan ng paglabag sa Section 2530 of the TCCP as amended in Republic Act 8550, FisheÂries Code of 1998.
- Latest