^

Bansa

Mayor Co kinasuhan sa Aman Pyramiding scam

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinagharap ng kasong syndicated estafa ng Department of Justice (DOJ) sa korte  si Pagadian Mayor Samuel Co kaugnay sa investment scam ng Aman Futures.

Kinumpirma kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima na sinampahan na ng National Prosecution service ng kaso si Co sa Iligan City Regional Trial Court batay na rin sa reklamong inihain ni Julius Labunog at ng iba pang complainant na nagpasok ng P29.6 milyon  na investment sa Aman Futures mula Agosto  22 hanggang Setyembre  17, 2010.

Batay umano sa findings ng special panel of pro­secutor, may mga indikasyon na si Co ay hindi lamang investor ng Aman Futures kundi naging ahente rin ng kumpanya.

Kasama rin sa mga ipinagharap ng kaso ang misis nito at  sina Manuel Amalilio, Fernando Luna, Lelian Lim Gan, Eduard Lim, Wialnie Fuentes, Naezelle Rodriguez at Lurix Lopez, gayundin ang asawa ni Amalilio na si Abigail Pendulas.

Hindi naman kasama sa kinasuhan si Jorino Ledesma, diumano’y private pilot ni Amalilio, dahil hindi umano nakitaan ng DOJ ng probable cause para idawit siya sa kaso.

ABIGAIL PENDULAS

AMALILIO

AMAN FUTURES

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDUARD LIM

FERNANDO LUNA

ILIGAN CITY REGIONAL TRIAL COURT

JORINO LEDESMA

JULIUS LABUNOG

JUSTICE SECRETARY LEILA

LELIAN LIM GAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with