^

Bansa

300% RPT hike sa Parañaque, itinanggi

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang pagtaas na 300 percent sa real property tax (RPT) sa lungsod ng Parañaque.

Ani Parañaque City Hall spokesman Dean Calleja. anim hanggang 20 porsyento lamang ang itinaas ng RPT at depende pa ito sa sukat at lokasyon ng mga lupa. Pinahihintulutan din umano ang naturang RPT increase ng Department of the Interior and Local Government at Department of Finance.

Noong 2002, itinaas ng Pasay City ang kanilang RPT taxes ng 45 percent. Sa Muntinlupa City ay 60 hanggang 200 percent ang itinaas ng RPT habang 60 percent naman sa Las Piñas City.

Ayon kay Calleja, ang RPT increase ay naaayon sa Local Government Code of 1991 Republic Act 7160, Section 219 kung saan pinahihintulutan ang mga provincial, city at municipal assessor na baguhin ang Real Property Assessments sa loob ng dalawang taon matapos mai­patupad ang batas at kada tatlong taon pagkatapos ng unang pagbabago.

Sinabi pa ng opisyal na bilang patunay na wala namang nabago sa sinisingil ng Parañaque City Government sa RPT ay puwedeng ikumpara ng mga mamamayan ng lungsod ang kanilang binayarang RPT noon at ngayon.

ANI PARA

CITY GOVERNMENT

CITY HALL

DEAN CALLEJA

DEPARTMENT OF FINANCE

LAS PI

LOCAL GOVERNMENT CODE

RPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with