^

Bansa

53 Pinoy na todas sa Sabah, 79 pa dinampot!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot na sa 53 ta­gasuporta ni Sultan Ja­malul Kiram III ang napatay sa engkuwentro ng Sulu Royal Army at Malaysian forces sa Lahad Datu, Sabah.

Sinabi ni Malaysian Police Inspector General Ismail Omar na bineberipika pa nila na isa sa kanilang mga huling napatay sa assault operations laban sa Royal Army ay ang kanilang mismong lider na si Rajah Muda Agbimuddin Kiram III, kapatid ng Sultan.

Mariin namang iti­nanggi kahapon ng ta­ga­pagsalita ng Sultanate of Sulu na si Abraham Idjirani na napaslang na si Rajah Muda, Aniya, buhay si Rajah Muda at nakausap pa niya kahapon ng umaga. 

Sinabi umano ni Rajah Muda na ligtas sila at naririnig pa nila ang bombahan malapit sa kanilang kinaroroonan.

Iginiit din ni Idjirani na mula sa kanilang tala, 10 tagasuporta lamang nila ang napatay, 10 ang inaresto at nasa kustodya ng Malaysian Police habang apat ang sugatan.

Sinabi ni Idjirani na pawang black propaganda lamang ang ipinalalabas na ulat ng Malaysian authorities upang ma-discourage ang iba pang grupo na nais na magtungo sa Sabah upang suportahan ang Royal Army.

Wala pa ring kumpirmasyon sa Department of Foreign Affairs sa nasabing bagong bilang ng mga Pinoy na napaslang sa Sabah. 

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na bina-vali­date pa nila ang report na may mga Pinoy na nadagdag sa mga casualties.

Samantala, may 79 Pinoy na konektado o inuugnay sa Sulu Royal Army ni Sultan Kiram ang inaresto ng Malaysian forces sa pagpapatuloy ng pursuit at assault ope­rations laban sa grupo ni Rajah Muda kahapon.

Nabatid na kasama ang ilang kababaihan sa mga inaresto sa labas ng “battle zone” sa Sabah na sumasailalim umano ngayon sa interogasyon ng Malaysian authorities dahil sa pagkakasangkot sa “terrorists act”.

Kahapon ay nakatanggap ng report ang kampo ng mga Kiram na nagtungo na ang tatlong kinatawan ng United Nations Commision on Human Rights sa Lahad Datu upang mag-obserba sa sitwasyon sa Sabah dahil sa ulat na mara­ming sibilyan na ang pinapaputukan, inaaresto at inaabuso ng Malaysian military forces subalit hindi umano sila pinahintulutan na makapasok sa nasabing lugar. 

Muling hihingi ng tulong si Sultan Kiram sa UN matapos na ibasura ni Malaysian Prime Minister Najib Razak ang kanilang panawagan na “unilateral ceasefire” na lumabag sa panawagan ni UN Sec. General Ban Ki-moon.

LAHAD DATU

MALAYSIAN

PINOY

RAJAH MUDA

ROYAL ARMY

SABAH

SHY

SINABI

SULTAN KIRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with