^

Bansa

Tulfo bros. kinampihan ng CA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinawalang-bisa ng Court of Appeals ang desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB na nagpapataw ng suspensyon at multang P100,000 laban sa programa ng magkakapatid na Tulfo sa TV5.

Sa 39-pahinang desisyon na may petsang Marso 7, 2013, sa panulat ni Associate Justice Rosmari Carandang, kinatigan ng CA Former 6th Division ang petisyon ng TV5 at isinantabi ang MTRCB decision dahil sa pagiging unwarranted o walang batayan.

Nag-ugat ang kaso nang magbitiw ng maaanghang na salita at magbanta sina Erwin, Raffy at Ben Tulfo sa kanilang programa laban sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto nuong Mayo 7, 2012 kaugnay ng kinasangkutang gulo ng mga ito at ng kanilang kapatid na si Ramon sa Ninoy Aquino International Airport.

Tinukoy ng CA na masyadong malupit ang tatlong buwang suspensyon na ipinataw ng MTRCB lalo pa’t wala namang indikasyon na dati nang naparusahan ang programa. Maihahalintulad din umano ang desisyon ng MTRCB sa single-strike policy na maaring lumikha ng oppresive environment sa broadcast media.

Kusa na rin umanong sinuspinde ng TV5 ang mga host ng programa kaya naniniwala umano ang korte na naging masyadong mabigat ang naging hakbang ng MTRCB dahil tila hindi nito kinunsidera ang self-regulation ng himpilan. Nabigo rin umano ang MTRCB na ipaliwanag sa kanilang desisyon kung bakit kinakaila­ngang tatlong buwan ang ipataw na suspensyon laban sa programa.

ASSOCIATE JUSTICE ROSMARI CARANDANG

BEN TULFO

CLAUDINE BARRETTO

COURT OF APPEALS

ERWIN

MAIHAHALINTULAD

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

RAYMART SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with