^

Bansa

Arraignment ni Carabuena naudlot uli

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Naudlot na naman ka­hapon ang pagbasa ng sakdal ng QC Court laban kay road rage suspect Robert Blair Carabuena na may kasong direct assault against a person in authority dahil sa naihaing motion to dismiss the suit na naiharap ng kampo ni Carabuena sa korte.

Kahapon si Carabuena ay sinamahan ng kanyang mga abogado mula sa Ponce Enrile Reyes and Manalastas Law Office para magsampa ng motion to quash sa sala ni Branch 42 Judge Juris Callanta ng Metropolitan Trial Court na kumukuwes-tyon sa authority ni traffic constable Saturnino Fabros ng MMDA.

Noong March 5, nagbitiw si Atty. Caesar Ortega bilang lead consel ni Carabuena kayat ngayon ang Ponce Enrile Reyes at Manalastas Law Office ang may hawak sa kaso nito.

Sa mosyon ni Cara­bue­na, kinuwestyon nito ang pagiging isang traffic constable ni Fabros  dahil wala umano itong otoridad na pangasiwaan ang trabaho.

Sinabi ni Carabuena na dapat na madismis ang kanyang kaso dahil batay sa impormasyon na naipakita sa korte ay bigo na patunayan na si Fabros ay isang taong may authority.

Si Carabuena ngayon ay nakakalaya sa piyan­sang P24,000.

 

CAESAR ORTEGA

CARABUENA

FABROS

JUDGE JURIS CALLANTA

MANALASTAS LAW OFFICE

METROPOLITAN TRIAL COURT

NOONG MARCH

PONCE ENRILE REYES

PONCE ENRILE REYES AND MANALASTAS LAW OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with