^

Bansa

Multi-bilyong kontrabando nasamsam

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Aabot sa mahigit multi-bilyong pisong halaga ng mga kontrabando kabilang ang iba’t ibang uri ng mga smuggled na pro­dukto at droga  ang nasabat at nasamsam ng Bureau of Customs (BoC) sa kanilang mga operasyon.

Maituturing na ito ang pinakamataas at  major accomplishment ng ahensiya simula nang pamahalaan ito ni Commissioner Ruffy Biazon kumpara sa mga naunang namuno sa ahensiya.

Sa ilalim din ni Biazon ay maraming natanggalan ng accreditation o Interim Customs Accreditation and Registration (ICARE) dahil nagagamit umano sa rice smuggling ang mga kumpanya at kooperatiba at hindi rin nakapasa sa mga itinakdang requirements ng BoC.  

Sa record, simula Hun­ yo 2012 hanggang nitong Marso 2013 ay mahigit sa P600 milyon halaga ng mga puslit na bigas na nagmula sa mga ban­sang India,Vietnam at Tai­wan sa iba’t ibang pantalan ang nasabat ng ahensiya.

Nitong Mayo 2012 hanggang Pebrero ng ta­ong ito ay nakasamsam ng mga puslit na agricultural products na nasa mahigit P800 milyon.

Aabot naman sa mahi­git P7 milyon ng puslit na asukal ang nasakote no­ong Nobyembre 29, 2012.

Humigit kumulang sa P500 milyon ang nakumpiskang mga droga sa 15 dayuhang drug courier at isang Pinoy simula ng taong 2010 hanggang nitong Pebrero 2013 na kung susumahin ay tinatayang aabot sa mahigit multi bilyong piso ang kabuuang halaga ng mga kontrabandong nasabat.

Kasama rin dito ang mga peke at smuggled designer bags, belt, sa­­patos, tsinelas, spare parts ng sasakyan, mga segundamanong sasak-yan, cell­phones, mamahaling telebisyon, electronics products, mga fla­voring food mula China, frozen products tulad ng mga peking duck, plywood, endangered species at spare parts ng mga baril.

 

AABOT

BUREAU OF CUSTOMS

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

INTERIM CUSTOMS ACCREDITATION AND REGISTRATION

NITONG MAYO

PEBRERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with