Mass deportation sa Sabah standoff
MANILA, Philippines - Nangangamba ang isang mambabatas sa mass deportation sa mga Filipino kasunod ng standoff sa Sabah, Malaysia.
Sinabi ni Sulu Rep. Tupay Loong, ngayong tuluyan ng sumiklab ang karahasan sa Sabah ay posibleng mass deportation na ng mga Filipino-Muslim ang kasunod nito.
Paliwanag pa ng mambabatas, chairman ng House Committee on Muslim Affairs, tiyak na malaking problema ang kakaharapin ng mga opisyal sa Sulu at mga karatig-isla nitong Tawi-Tawi, Basilan at Zamboanga sa sandaling pauwiin ang mga naninirahan sa Sabah.
Hindi rin umano nila alam kung paanong ia-accomodate ang daan-daang deportees bukod pa sa casualties.
Ayon sa kongresista, bukod sa tirahan, magiÂging pahirapan din ang kabuhayan ng mga ito.
Aminado si Loong na hindi sila handa sa ganitong scenario kaya naman umaasa ang mamÂbabatas na may paraan pa para maresolba ng mapayapa ang isyu sa Sabah.
- Latest