Petisyon vs political dynasty ibinasura ng SC
MANILA, Philippines - Pinal nang ibinasura ng Korte Suprema ang lahat ng petisyon tungkol sa political dynasty.
Ayon kay Supreme Court public information chief Atty. Theodore Te, ibinasura ng Korte ang mga petisÂyon na humihiling na atasan nito ang Kongreso na magpasa ng isang batas na magbabawal ng tuluyan sa political dynasties.
Ito ay dahil sa kabiguan ng mga petitioners na sina Ricardo Penson at dating Vice Pres. Teofisto Guingona na maghain ng bagong argumento sa kanilang motion for reconsideration.
Sa kaniyang petisyon, iginiit ni Guingona na ang Korte Suprema ang may kapangyarihan para atasan ang Kongreso na magpasa ng batas upang mapairal ang probisyon sa 1987 Constitution na nagbabawal sa political dynasty.
Habang si Penson ay iginiit na ang pamumuhay ng milyon-milyong Filipino ay kinokontrol ng mga malalaking angkan ng mga pulitiko sa bansa.
- Latest