67 supporters ni Kiram naharang sa Tawi-Tawi
MANILA, Philippines - Naharang ng mga operatiba ng pulisya ang nasa 67 supporters nina Sultan Jamalul Kiram matapos na tangkaing mag-reinforce kaugnay ng nagaganap na sagupaan sa pagitan ng Sulu Royal Army at Malaysian security forces sa Lahad Datu, Sabah.
Sa phone interview, kinumpirma ni Tawi-Tawi Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Joselito Salido na ang nasabing mga supporter nina Kiram ay naharang kahapon sa Simunul Island kung saan dinala na ang mga ito sa Bongao, ang kapitolyo ng Tawi-Tawi.
Ang mga ito ay mula sa Basilan at Sulu na nais sanang tumulong sa puwersa ng mga Kiram na binobomba na ang kinaroroonan sa Lahad Datu ng mga jet fighters ng Malaysia.
Sinabi ni Salido na pinagpaliwanagan nila ang mga supporters nina Sultan Kiram na huwag ng magtungo sa Lahad Datu dahil makakadagÂdag lamang ang mga ito sa problema roon.
Kaugnay nito, 52 pang manggagawang Pinoy ang dumating sa Tawi-Tawi kahapon na lumikas sa Sabah sa takot namang maipit ng sagupaan.
- Latest