Dahil sa gulo sa Sabah presyo ng bilihin sa Tawi-Tawi nagmahal
MANILA, Philippines - Dahil sa kaguluhang nagaganap sa Sabah kayat nag-umpisa na rin tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa isla ng Tawi-Tawi.
Ayon kay Tawi-Tawi Rep. Nur Jaafar, ito ay dahil sa natigil ang kalakalan sa pagitan ng mga taga Malaysia at ng nasabing isla.
Maging ang mga neÂgosyante umano ay hindi na rin pinapayagang makalusot sa kabi-kabilang checkpoints sa Sabah.
Dahil dito kayat naÂbabahala ang kongresista na kapag tumagal pa ang ganitong sitwasÂyon ay hindi lang magmahal kundi tuluyang maÂubusan sila ng supply ng mga produkto.
Ang mga produkto mula sa Malaysia ay mas mura kaya’t ito ang inaÂangkat ng mga karatig isla ng Tawi tawi dahil na rin sa mas malapit sa kanila ang nasabing bansa.
Nauna na rin iniulat na mayroon na rin panic buying sa Tawi-Tawi dahil na rin sa nagaganap na stand off sa pagitan ng grupo ng royal sultanate ng Sulu.
- Latest