Taiwanese papasok sa Apeco
MANILA, Philippines - Humihingi ng permiso sa Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (Apeco) ang isang kampanya ng agribusiness mula sa Taiwan para mamuhunan sa iba’t ibang negosyo na nais nitong itatag sa bansa.
Ayon kay Apeco President Malcolm I. Sarmiento Jr., inihayag ng Nan Tsan Aurora Ltd., Inc ang panukala nito sa pamamagitan ng Letter of Intent na isinumite ng legal representative nito na si Atty. Johannes R. Bernabe.
Ani Sarmiento, balak ng Nan Tsan na mag-umpisa sa fish processing at mangangailangan ito ng 1,000 metro kuwadradong lote na pagtatayuan ng mga kailangang pasilidad at mga kagamitan kung saan magsisimula sa Abril hanggang Hunyo, 2013.
Bagaman walang ibinigay na halaga para sa mga pasilidad at kagamitan ng eel processing, maglalagak ang kompanya ng di-kukulangin sa US$1.25 million (P50.86 milyon) para lamang sa fish processing at papaya projects.
Ayon kay Sarmiento, kailangan ng Nan Tsan ng 10 ektaryang lupain sa loob ng Aurora ecozone para sa pagtatanim ng papaya, kung saan kahit ang mga buto nito ay iipunin bilang export sa Taiwan.
Ang mismong prutas naman ay ibibenta o idadaan sa proseso para maging by-product na puwedeng gamitin ng mga gumagawa ng cosmetic products o ng mga pharmaceutical companies.
- Latest