3 BIR official bagsak sa lifestyle check
MANILA, Philippines - Bagsak sa lifestyle check ang tatlong official ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ngayon ay sinampahan na ng kaso sa Office of the Ombudsman.
Kabilang sa mga kinasuhan ng kriminal at administratibo ay sina Chief Revenue Officer Ricarco Batongbakal Espiritu ng Revenue District Office (RDO) No. 50-South Makati; Regional Director Alert Benedicto Alocilja ng Revenue Region No. 14, Tacloban City at si Assistant Revenue District Officer Fritz Sarad Buendia ng RDO No. 24-Valenzuela City.
Nabatid na ang kaso laban kay Espiritu ay bunsod ng hindi tamang pagdedeklara sa SALNs nilang mag-asawa at pagkakaroon ng mga ari-arian gaya ng agricultural land, residential land at gusali sa Bulacan.
Hindi naman diÂnekÂlara ni Alocilja sa kanyang 1995 at 1996 SALNs ang iba’t ibang property gaya ng residential lot sa M. H. del Pilar St. na umano ay donated sa kanya noong 1985, isa pang residential lot na kanyang binili noong 1986 na hindi rin sinulat sa 1995 at 1998 SALNs, at ang residential house sa Tacloban City na umano ay binili noong 1987 ay hindi rin inilagay sa mga SALNs.
Si Buendia ay naging kawani ng BIR noong 1989 Clerk II na may taunang suweldo o gross salary na P17,640.00.
Ayon sa Department of Finance (DOF) sa kabila nang napakababang suweldo ay agad nakabili ng bahay at lupa si Buendia sa PangaÂsinan at mga mamahaling sasakyan gaya ng Nissan Cefiro, Honda CRV at Toyota Corolla, na binayaran niya ng cash.
- Latest