300 Pinoy deportees mula Sabah dumating sa Zamboanga
MANILA, Philippines - Mahigit sa 300 Pinoy deportees na apektado ng kaguluhan sa Sabah, Malaysia ang dumating sa Zamboanga City.
Sa ulat kahapon ng Office of Civil Defense (OCD) Region 9, ang nasabing mga deportees ay unang batch ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa nasabing bansa na pinauwi sa Pilipinas bunga ng serye ng bakbakan sa pagitan ng Malaysian authority at ng Royal Army ng Sultanate of Sulu na grupo ni Sultan Jamalul Kiram.
Noong Biyernes ay nilusob ng Malaysian authority ang kinaroroonan ng grupo ni Datu Raj Muda Agbimuddin Kiram na nagbunsod sa pagdanak ng dugo sa pagitan ng magkalabang puwersa. Nasawi ang 12 tauhan ni Sultan Kiram, isang sibilyan at dalawa mula sa Malaysian authority.
Bagama’t inihayag ng pamahalaan ng Malaysia na tapos na ang standoff matapos na magapi nila ang grupo nina Kiram ay nagsagawa naman ng pag-atake ang mga Royal Army noong Sabado na ikinasawi ng anim na pulis sa Malaysia.
Ang bakbakan ay nakaapekto sa may 800,000 manggagawang Pinoy sa Malaysia na namemeligÂrong mapauwi lahat sa bansa bunga ng tensyon doon.
Nabatid na karamihan ng mga Pinoy na nagtratrabaho sa Malaysia ay walang kaukulang dokumento.
- Latest