^

Bansa

Sangkot sa anti-human trafficking law ilalantad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaari nang isapubliko ang mga pangalan at iba pang pagkakakilanlan sa mga suspect sa kaso ng paglabag sa anti-human trafficking law.

Bunsod ito ng bagong nilagdaang Republic Act 10364 o ang Expanded Anti-Human Trafficking Law na nag-a-amyenda sa RA 9208 (nagtatakda ng pagiging lihim o confidential sa mga biktima at mismong human traffickers) kung saan tuluyan ng tinanggal ang proteksiyon sa mga human trafficker. 

Salig sa RA 10364, o ang new rule on confidentiality, maaari ng isapubliko sa pamamagitan ng broadcast at pahayagan ang mga pangalan at iba pang sirkumstansiya sa mga sangkot o lumabag sa anti-human trafficking law.

Sinabi ni Justice Undersecretary Jose Vicente Salazar, hepe ng Inter-Agency Council Against Human Trafficking na layon ng amendment na mabigyang babala ang publiko upang makaiwas sa pakikipag-ugnayan o transaksiyon sa mga human trafficker.

Maging ang media ay pinapayagan na rin na mareport ang isang kaso basta mayroon lamang written statement mula sa biktima na tinatalikuran niya ang confidentiality rule na itinatadhanan sa Section 7 ng naturang batas.

 

BUNSOD

EXPANDED ANTI-HUMAN TRAFFICKING LAW

HUMAN

INTER-AGENCY COUNCIL AGAINST HUMAN TRAFFICKING

JUSTICE UNDERSECRETARY JOSE VICENTE SALAZAR

MAAARI

REPUBLIC ACT

SALIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with