BoC suportado vs smuggling
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng buÂong suporta si dating AmÂbassador at senatorial candidate Ernesto MaceÂda sa Bureau of Customs (BoC) sa pagpapaigting ng kagawaran sa kamÂpanya nito laban sa smugÂÂgling sa buong bansa.
Ito’y matapos na maÂpag-alaman ni Maceda na ang BoC sa pamumuno ni Commissioner Ruffy Biazon ay umabot sa revenue target na P24.3 billion sa buwan ng Enero ng taong kasalukuyan.
“Since he achieved his target for the first time, we will not anymore push for his resignation, the only reason why we are pushing for him to resign is because for the past two years he was not able to achieve the target,†ayon pa kay Maceda.
Unang sinabi si MaÂceda na kasama sa UniÂted Nationalist Alliance (UNA) na magbitiw sa tungÂkulin si Biazon sa BoC dahil hindi umano epektibo ang opisyal sa kanyang posisyon ngunit lumalabas na wala namang katotohanan ang sinasabi ng dating senador.
Sa inilabas na ulat ng BoC, noong Enero 2013 ay tumaas ng 11.4% ang collection ng naturang kaÂÂgawaran kumpara sa naÂkalipas na taon na mayroon lamang P21.990 billion.
Nilinaw din ng BoC chief na ang paghuli ng mga imported cars sa Port Irene ay hindi ganti ng Aquino administration kay UNA supporter Juan Ponce Enrile.
- Latest