^

Bansa

Nagsulsol sa ‘raid’ kakasuhan ng DSWD

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-aaralang kasuhan ng Department of Social Welfare and De­­velopment (DSWD) ang mga namuno sa ginawang ‘raid’ sa bodega ng kanilang ahensiya at nakawin ang mga relief packs sa Davao City.

Sinabi ni DSWD Sec. Dinky Soliman, nakiki­pag-ugnayan na sila sa tanggapan ni Davao City Mayor Sarah Duterte at pulisya kaugnay sa posibleng pagsasampa ng kaso sa mga nagsulsol at nanloko sa mga tao na sumugod sa DSWD warehouse.

Wika ni Soliman, may panlolokong nangyari sa mga tao na sumugod sa bodega dahil lumilitaw na sinabihan daw ang mga ito na magdiriwang ng EDSA People Power habang ang ilan ay sinabihan na magpupunta sa beach subalit dinala sila sa bodega ng DSWD sa Davao City at hinimok ang mga tao na sugurin ang bodega at kunin ang mga relief goods.

Ayon kay Soliman, ang mga nasa bodegang iyon ay para sa mga biktima ng bagyong Pablo at nagsisimula naman silang magrepack para sa mga biktima ng bagyong Crising.

Aniya, may sinusunod silang proseso bago ma­ipamahagi ang mga relief packs sa mga biktima ng bagyo bukod sa sinimulan na rin nila ang pagtulong sa mga biktima sa pamamagitan ng CCT at Cash for work program.

 

vuukle comment

ANIYA

AYON

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR SARAH DUTERTE

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DE

DINKY SOLIMAN

PEOPLE POWER

SOLIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with