39 pa importers, brokers winalis
February 28, 2013 | 12:00am
MANILA, Philippines - Tumaas pa ang bilang ng mga importer at brokers na tinanggalan ng accreditation para mag-angkat ng bigas.
Nabatid kay Customs Commissioner Ruffy BiaÂzon, nitong Pebrero 20, 2013 ay 39 pang imporÂters at brokers ang inalis sa listahan ng Interim Customs Accreditation and Registration (ICARE) unit na isang programa ng BoC upang sugpuin ang illegal smuggling parÂtikular ang rice smuggling sa bansa.
Bukod ito sa 14 kumpanya at kooperatiba na nauna ng tinanggalan ng accreditation noong nakaraang linggo.
Nabatid kay Biazon na sa 39 importer at broker na tinanggal na sa listahan, ang 16 dito ay pawang mga koopeÂratiba na walang track record at ang iba naman ay maliliit na kumpanya na hindi nakapag-comply sa ibang requirements na itinakda ng BoC sa kanila.
Sa kasaysayan ng BoC ay tinatayang umaÂbot na sa 170 kabuuang bilang ng mga importers at broker ang inalis na sa listahan ng ICARE na maituturing na pinakamataas sa kasaysayan ng ahensiya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am