Raid sa Sabah inihahanda na ng Malaysian forces
MANILA, Philippines - Inihahanda na ang pagsalakay ng Malaysian security forces at didisarmahan umano ang mga armadong Pinoy na nagmamatigas na manatili sa Lahad Datu, Sabah, Malaysia.
Ang planong raid ang naging desisyon ng Malaysian authorities matapos na lumampas na ang ibinigay na taÂning sa mahigit 200 Pinoy na umano’y ilegal na nagtungo at nananatili sa isang village sa Lahad Datu.
Nabatid kay Sabah Police chief Commander Datuk Hamza Taib na inihahanda na ang pinagsanib na puwersa ng Malaysian army, maritime, navy, police at security commandos na siyang papasok at sasalakay sa lugar na pinamumugaran ng mga Pinoy na miÂyembro ng royal army ng Sultanate of Sulu.
Kabilang sa unang naging plano ng Malaysian government ang sapilitang pag-aresto sa mga Pinoy kabilang na ang mga sibilyan na kasama sa grupo na nagtungo sa lugar at saka ipade-deport at ipapasa sa Philippine authorities.
Sinabi rin ng Malaysian authorities na lima katao na ang inaresto at nasa kanilang kustodya na umano’y may kaugnayan sa royal army ni Sultan Jamalul Kiram III.
Inalmahan naman ng kampo ni Kiram ang ginawang pag-aresto na isa rito ay mismong pinsan ng Sultan.
- Latest