^

Bansa

15 taon sa magnanakaw ng manhole, traffic signages

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaaring makulong ng hanggang 15 taon ang sinumang magnanakaw ng traffic signages at manhole.

Layunin ng House Bill 6886 na inihain ni Agham party list Rep. Angelo Palmones na mapigilan ang talamak na nakawan ng traffic signages at manhole na inilalagay ng DPWH na siya namang nagsisilbing proteksyon laban sa mga aksidente at disgrasya sa lansangan.

Nito lamang Enero ay 42,558 piraso na ang nananakaw at naba-vandalize na siyang itinuturong dahilan ng maraming aksidente sa lansangan.

Ganito rin ang parusa sa mga magbebenta o bibili ng ganitong nakaw na devices.

Ang mga maninira naman ng traffic signages o road signs ay makukulong ng 10 taon at multang hanggang P150,000.

Sinadya umanong taa­san ang parusa rito kum­para sa ordinaryong krimen ng pagnanakaw dahil ang pagtangay o paninira ng road signs ay buhay na ang nakasalalay.

 

AGHAM

ANGELO PALMONES

ENERO

GANITO

HOUSE BILL

LAYUNIN

MAAARING

SINADYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with