Indelible ink ng lowest bidder sa Comelec sablay
MANILA, Philippines - Sablay umano ang indelible ink na iprinisinta kahapon ng lowest calculated bidder sa Commission on Elections na gagamitin sana ngayong May 13 national at local elections.
Mismong kinatawan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ay hindi bumilib sa isinalang na indelible ink ng Centurian and Jedaric Chemicals Inc., dahil kung ikukumpara sa mga nakalipas na halalan, malayung-malayo ito.
“Not impressive because karamihan naman sa atin dito na nandirito ngayon have already voted di ba? We saw an indelible ink. There is a mark na medyo bilog dito sa may cuticle it depends on the extent of place of the indelible ink,†wika ni Arwin Serrano.
Kapuna-puna rin aniya ang madaling pagkakabura sa mga ink nito na inilalagay sa daliri. “Sometimes smaller nasa gitna, sometimes larger area na napupunta hanggang sa pinakadulo. It depends on the amount of the ink that was placed by the BI (board of inspector). Pero dito sa nakita natin, wala tayong nakitang mga markings sa middle portions ng cuticle,†dagdag pa ni Serrano.
May 14 katao ang isiÂnalang sa pagsusuri sa Comelec kahapon. Bawat isa sa kanila ay nilagyan ng indelible ink sa kanilang hintuturong daliri saka pinatuyo sa ilalim ng sikat ng araw. Matapos ang 30 minuto, bawat isa sa kanila ay pinagamit ng tubig, sabon, alcohol, ascorbic acid, thinner, gasolina, brake fluid, kamias, acetone and diesel para burahin ito.
Kitang-kita ng mga nakasaksi kung gaano ito mabilis na nabura.
Ang Centurian and Jedaric Chemicals Inc. ang itinuturing na pinaka-lowest bidder dahil sa bid price na P68 million, samantalang ang ikalawang lowest bidder na hindi naisalang kahapon sa pagsusuri ay ang Asa Color-Topbest Printing Corp. na may bid na P73 million.
Para kay dating Solicitor General Frank Chavez, abogado ng Asa-Color-Topbest, hindi na niya kailangang magsalita pa kung gaano kahina ang iprinisintang indelible ink ng kanilang kalaban dahil kitang-kita na madali itong mabura.
Gayunman, dahil may proseso, hihintayin na lamang nila na madeklarang disqualified ang itinuturing na lowest bidder.
Sinabi ni Serrano na hindi dapat masakripisyo ang kuwalidad ng indelible ink dahil lamang sa murang halaga. Aniya, malaÂking tulong ang indelible ink tuwing sumasapit ang halalan laloâ€t automated election ngayon.
Gayunman, ayaw munang ideklarang disqualified ng PPCRV ang Centurian and Jedaric Chemicals dahil marami pang pagsusuring gagawin dito.
- Latest