Para sa extradition ni Amalilio DOJ panel pupunta ng Malaysia
MANILA, Philippines - Nakatakdang magtungo sa Malaysia sa susunod na buwan ang grupo mula sa Department of Justice (DOJ) na tumututok sa extradition ni Aman Futures Founder Manuel Amalilio.
Nilagdaan na ni Justice Secretary Leila de Lima ang travel order para sa team of prosecutors at state counsels na magtutungo sa Malaysia.
Kasama rin sa mga bibiyahe sina Prosecutor General Claro Arellano, Justice Undersecretary Jose Vicente Salazar at Chief State Counsel Ricardo Paras.
Naudlot kamakailan ang pag-alis ng grupo dahil wala sa Kuala Lumpur ang Attorney General ng Malaysia na si Tan Sri Gani Patail na nauna nang nag-utos na isailalim sa freeze order ang mga pag-aari sa Malaysia ni Amalilio.
- Latest