^

Bansa

P6.7-M Smuggled cellphones nasabat ng BOC

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tinatayang nagkakahalaga ng P6.7 milyon ang nasabat na smuggled cellphones at dalawang empleyado ang naaresto ng mga tauhan ni BoC Com. Rosano “Ruffy” Biazon, kamakailan.

Kinilala ni Biazon ang dalawang kawani  ng Windfreight Express Total Logistics ang inaresto na sina  Narciso Briones at John Jamilla Bernardion, kapwa nahaharap  sa kasong paglabag  sa  Sections 3601 and 3609 of the Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) na ngayon ay nasa custody ng BoC.

Sinabi ni Biazon, ang dalawang  kawani ay nasangkot umano sa pagpupuslit ng  793 pirasong  smuggled Cloud Fone Thrill 430X cellular phones, na nagkakahalaga ng Php 6,167,161.00 at nadakip  ang mga  ito sa San Marcelino St., Maynila kamakailan lamang. Aniya, ang mga nakumpiskang Cloudfone Thrill smartphones ay kanilang i-o-auction upang makabawi ng buwis ang gobyerno.

Muling nagbabala si Biazon sa mga nais na kumita ng malaki at madalian sa pamamagitan ng pagpupuslit ng mga kontrabando sa bansa na hindi sila makakaligtas sa kampanya ng ahensya.

ANIYA

BIAZON

CLOUD FONE THRILL

CLOUDFONE THRILL

JOHN JAMILLA

NARCISO BRIONES

SAN MARCELINO ST.

TARIFFS AND CUSTOMS CODE OF THE PHILIPPINES

WINDFREIGHT EXPRESS TOTAL LOGISTICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with