Sako-sakong Vietnam rice pinaiimbestigahan
MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng partylist group na Abono ang nasabat na sako-sakong smuggled Vietnam rice ng Bureau of Customs, na nagkakahaÂlaga ng P9-M at hubaran kung sino ang mga nasa likod nito.
Duda ang Abono Party List na ang 35 smuggled rice sa 20-footer container van na nahuli ng mga tauhan ni BoC Deputy Commissioner Danilo Lim ay walang consignee at wala umanong nagmamay-ari ng mga ito at nalaman pa rin na hindi ito masampahan ng kaso sa DOJ.
Ang mga smuggled Vietnam rice ay nasabat ng mga taga Customs sa Phividec, Tagoloan, Misamis Oriental.
Ayon sa grupo, dapat kilalanin at imbestigaÂhan kung sino ang mga consignee at may-ari ng mga smuggled Vietnam rice na nasabat umano ng mga tauhan ni Lim.
Nananawagan din ang grupo sa DoJ na magsagawa ng imbestigayon sa naging operasyon ng mga tauhan ni Lim.
Mahigpit ang kautusan ni Pangulong Aquino sa BoC na sakaling may masasabat na mga kahina-hinalang mga kargamento sa bansa ay kaagad na sampahan ng kaso sa korte.
- Latest