Loren, Chiz at Poe nilaglag na ng UNA
MANILA, Philippines - Upang hindi na magmukhang kawawa dahil sa patuloy na pang-iisnab ng kanilang tatlong guest candidates, tuluyan ng tinanggal kahapon ng United NaÂtionalist Alliance (UNA) sa listahan ng kanilang mga kandidato sa pagka-senador sina Senators Francis “Chiz†Escudero, Loren Legarda at Grace Poe-Llamanzares.
Sa ipinalabas na pahayag ni Toby Tiangco, campaign manager ng UNA, sinabi nito na ginawa nila ang lahat para maisama sa kanilang natitirang 9 na kandidato ang tatlo na mas piniling manatili sa Liberal Party. Hindi na umano ngayon obligasyon ng UNA na isama ang pangalan nina Esudero, Legarda at Poe sa listahan ng kanilang mga senatoriables.
Matatandaan na kahit isang beses ay hindi nagpakita ang tatlo sa mga campaign sorties ng UNA. Sinabi pa ni Tiangco na kinakaÂilaÂngan na rin naman nilang mag “move onâ€. Ayon pa kay Tiangco ipinaalam naman niya sa tatlong guest candidates ang gagawing pangangampanya sa Central Luzon pero hindi rin sumipot ang mga ito.
Nauna ng inihayag ni Escudero na hindi siya naniniwala sa mga campaign rallies kung saan kinakailaÂngang sumayaw, kumanta at magdala ng mga artista ang mga kandidato upang dumugin lamang sila ng mga botante.
Samantala, lumutang naman ang posibilidad na gawing pamalit sa tatlo sina Bro. Eddie Villanueva, Puerto Princesa, Palawan Mayor Edward Hagedorn at Bayan Muna Rep. Teddy Casiño.
- Latest