Sa rubber boat scam: Versoza, 7 pa pinakakasuhan na sa Sandiganbayan
MANILA, Philippines - Pinakakasuhan na sa Sandiganbayan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ng graft sina retired PNP Chief Jesus Versoza at pitong iba pang opisÂyal ng PNP kaugnay ng maanomalyang pagbili ng 75 depekÂtibong police rubber boats noong 2008.
Sa 34-pahinang kautusan na nilagdaan ni Morales, tinanggihan nito ang Motions for Reconsideration na isinampa ng mga akusado kaugnay ng kaso bagkus ay nirekomenda nitong kasuhan ng graft si Versoza at sina P/DDG Jefferson Soriano, P/D Luizo Ticman, P/D Ronald Roderos, P/D Romeo Hilomen, P/CSupt. Herold Ubalde, P/DDG Benjamin BelarÂmino, Jr., at P/CSupt. Villamor Bumanglag matapos makakita ng probable cause para maidiin sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mga akusado.
Ang kaso ay nag-ugat mula sa naisampang rekÂlamo sa Ombudsman noong November 15, 2011 at February 17, 2012 nang pumasok ang PNP sa supply contracts sa Enviroaire para sa suplay ng 93 units ng Out Board Motors (OBMs) na may halaÂgang P44,175,000 at pagsuplay ng 10 units ng Police Rubber Boats (PRBs) na may halagang P11,650,000 at sa Geneve para sa suplay ng 41 units ng rubber boats na may halagang P47,765,000; at sa Bay Industrial para sa suplay ng 10 units ng police rubber boats na may halagang P11,650,000.
Sinasabing nang maideliver na ang naturang mga rubber boats ay nadiskubre ng PNP Maritime Group - Technical Inspection Committee on WaterÂcrafts (MG-TICW) na depektibo ang mga ito at hindi maaaring magamit para sa disaster efforts ng PNP.
- Latest