NBS pinuri hinggil sa China globe
MANILA, Philippines - Pinuri kahapon ni dating Senator Richard Gordon ang makabaÂyang prinsipyo ng NatioÂnal Bookstore na tanggalin ang mga globes na gawa sa China na nagpapakitang pag-aari na nila ang mga pinag-aagawang isla sa South China Sea.
Ayon kay Gordon, ang ginawa ng nasabing bookstore ay nagpapakita ng prinsipyo at pagpapahalaga sa ipinaglalabang teritoryo ng bansa laban sa China.
“Dapat nating purihin ang National Bookstore sa paninindigan nito. Nang makita nilang sinasalamin sa mga globes na gawa ng China ang pag-aangkin nito sa Spratlys, tinanggal nila ito sa kanilang mga shelves. Dapat marami pang gumawa nito tulad ng sa National Bookstore,†sabi pa ni Gordon.
Sa nasabing mga globes na gawa sa China, ipinapakita ang pagÂlawak ng teritoryong sakop ng nasabing bansa kung saan nag-overlaps na sa mga sovereign territories ng mga kakapit bansa nito katulad ng Pilipinas, Vietnam, Malaysia at Taiwan.
- Latest