^

Bansa

42K gun owners maba-blacklist

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanganganib na ma-blacklist ang aabot sa 42,000 registered gun owners sa bansa matapos madiskubre ng PNP-Firearms and Explosives Division sa serye ng Oplan Katok na hindi totoo ang address o tirahan na isinulat ng mga gun owner sa kanilang information sheet.

Ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima, ang Oplan Katok ay inilunsad ng PNP-FED noong Dis­yembre 2012 bilang bahagi ng pinalakas na crackdown operations laban sa loose firearms kaugnay ng midterm elections sa May 2013.

Sinabi ni Purisima na bibigyan pa nila ng pagkakataon ang mga tusong gun owner na magpaliwanag kung bakit nagsinungaling ang mga ito.

Kapag hindi nakuntento ang PNP-FED sa paliwanag ng naturang mga gun owners ay hindi na maire-renew ang lisensya at ituturing ng loose firearms.

AYON

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

FIREARMS AND EXPLOSIVES DIVISION

GUN

KAPAG

NANGANGANIB

OPLAN KATOK

PURISIMA

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with