^

Bansa

Hagedorn nag-motorcade sa Tondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagsisi­mula ng campaign period para sa mga kumakandidato sa national position, pormal na ring inilunsad ni Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn ang kanyang kandida­tura sa pagkasenador.

Nagsagawa ng motorcade ang grupo ni Hagedorn sa kabuuan ng Tondo sa Lungsod ng Maynila kasama ang mga kandidata ng Ms. Earth Philippines.

Kasama sa inikutan ng motorcade ni Hage­dorn ay ang Roxas blvd., del Pan, Moriones, Wagas at Lakandula sa Tondo.

Samantala, pinakikilos din ni Mayor Hagedorn ang DILG para magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng isa sa mga testigo sa pagpatay sa nasabing mamamahayag.

Ginawa ni Hagedorn ang panawagan maka­ raang lumutang sa re-autopsy na isinagawa ng forensics department ng Public Attorney’s Office na si Dennis Aranas, akusado at testigo sa pagpatay kay Ortega, ay pinahirapan at pinatay makaraang ma­diskubre ang mga pasa at marka ng kalmot sa kanyang leeg na indikasyon na ito ay sinakal.

Nababahala si Hagedorn na hindi malayong matulad sina Bumar at Recamata sa sinapit ni Aranas kaya kasabay nito, umapela siya sa gob­yerno na sa halip na itulak sa panganib ang dalawa ay bigyan ng ka­ukulang proteksyon.

ARANAS

BUMAR

DENNIS ARANAS

HAGEDORN

MAYOR HAGEDORN

MS. EARTH PHILIPPINES

PUBLIC ATTORNEY

PUERTO PRINCESA CITY MAYOR EDWARD HAGEDORN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with