^

Bansa

Rep. Olivarez kinalampag sa maliit na budget ng 2 iskul

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dismayado ngayon ang mga opisyal, guro at ma­ging ang mga magulang at estudyante ng dalawang public high schools sa unang distrito ng Parañaque dahil sa napakaliit ang nakukuhang badyet ng Parañaque National High School-Don Galo Annex at Parañaque National High School-La Huerta Annex, na lubhang nakaapekto sa dapat sana ay magandang serbisyo para sa mga mag-aaral.

Ang problema, ayon sa mga school officials, ay hindi­ lamang sa nagdedepende ang nasabing dalawang eskwelahan sa badyet na nakukuha mula sa mother school nito na Parañaque National High School bagkus ay hindi pa rin nila nakukuha ang kanilang sariling badyet. Wala pa rin anila silang nakukuhang banepisyo tulad sa ibang pampublikong paaralan.

Binatikos ng mga school officials ang tila napa­kabagal na pag-usad ng mungkahi ni Parañaque First District Rep. Edwin Olivarez sa Kongreso na ihi­walay ang Don Galo Annex at La Huerta Annex mula sa Parañaque National High School, at gawin ang mga ito bilang independent national high schools na tatawaging Don Galo National High School at La Huerta National High School. Hiling din umano ng mga ito na mabigyan ng sariling pondo ang Don Galo at La Huerta.

Duda ang mga magulang na pinoproteksyonan umano ni Olivarez ang private school sa unang distrito ng Parañaque na pag-aari daw ng kanilang pamilya, kaya’t hindi umano ito interesado na maayos ang Don Galo Annex at La Huerta Annex.

AQUE

DON GALO ANNEX

HIGH

LA HUERTA ANNEX

NATIONAL HIGH SCHOOL

PARA

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with