^

Bansa

Tagle namumurong maging Santo Papa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasama sa mga pagpipiliang papalit sa nagbitiw na Santo Papa na si Pope Benedict XVI si Manila Cardinal Luis Antonio Tagle.

Inihayag ito ni Ca­tholic Bishops Confe­rence of the Philippines (CBCP) Execu­tive Secretary Fr. Francis Lucas matapos ma­ging usap-usapan ang pagkakasali umano ni Cardinal Tagle sa mga posibleng pagpi­lian bilang Santo Papa.

Pagkatapos ng Peb­rero 28 ay magbibilang ng 15-20 araw kung saan dapat na ring simulan ng Conclave of Cardinals ang pagpili.

“Pero tandaan din natin 42% ng total Catholic population nasa Latin America...pero compared ang Asia sa mga member ng Catholics sa Africa at Latin America, mas konti tayo,” ani  Lucas.

Ayon kay Lucas, posibleng umabot sa 118 ang makasama sa botohan at two-thirds ang dapat makuhang boto para maluklok na bagong Santo Papa.

Kasama rin sa mga maaaring pumalit kay Pope Benedict ay sina Cardinal Joao Braz de Aviz, 65, Brazil; Cardinal Timothy Dolan, 62, Uni­ted States; Cardinal Marc Ouellet, 68, Ca­nada; Car­­dinal­ Gian­franco Ravasi, 70, Italy; Cardinal Leo­nardo Sandri, 69, Argen­tina; Cardinal Odilo Pedro Scherer, 63, Brazilla, Cardinal Christoph Schoenborn, 67, Austria; Cardinal Angelo Schola, 71, Italy; Cardinal Luis Tagle, 55, Philippines; at Cardinal Peter Turkson, 64, Ghana.

Si Pope Benedict, 85, ay nahalal bilang pontiff noong 2005 matapos na sumakabilang-buhay si Pope John Paul II. Sa loob ng 600 taon, nga­yon lamang nagbitiw ang isang Papa. Ang huling Pope na nagbitiw ay si Pope Gregory XII noong 1415.

Ikinagulat naman ng CBCP ang pagbibitiw ng Papa.

Ayon kay CBCP Exe­cutive Secretary Fr. Francis­ Lucas, walang mag-aakalang magbi­bitiw ang Santo Papa dahil ma­tagal nang walang nagbibitiw na lider ng Sim­bahang Katolika at karaniwang pinapalitan ito kung pumanaw na.

Gayunman, tanggap anya ng CBCP ang desis­yon nito lalo’t ma­bigat ang ginawang pag­dedesis­yon nito sa harap ng kan­yang kalusugan.

AYON

BISHOPS CONFE

CARDINAL

LATIN AMERICA

LUCAS

POPE BENEDICT

SANTO PAPA

SECRETARY FR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with