Jun Lozada at kapatid sumuko
MANILA, Philippines - Boluntaryong sumuko ang kontrobersyal na si NBN ZTE broadband deal whistleblower Rodolfo “Jun†Lozada at kapatid nitong lalaki sa Camp Crame kahapon ng umaga bago pa man maisilbi ang warrant of arrest na ipinalabas ng Sandiganbayan laban sa kanila sa kasong graft and corruption.
Dakong alas-7:00 ng umaga ng sumurender sa tanggapan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Camp Crame si Lozada at kapatid nitong si Jose Orlando Lozada na sinamahan ng mga pari at madre mula sa Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP).
Bago mag-alas-10:00 ng umaga, umalis na sina Lozada sa Camp Crame patungong Sandiganbayan na pinaligiran ng mga madre at pari upang maglagak ng P60,000 piyansa para sa kanyang pansamanÂtalang paglaya.
- Latest