^

Bansa

Ayuda ni Maganto sa libu-libong bata, matanda bumaha

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Libu-libong bata, se­ nior citizen at mga kabataan ang nabibiya­yaan na ng iba’t ibang ayuda ni Manila 5th district Congressional candidate Faith Maganto na layunin ay iangat ang estado ng pamumuhay ng mga residente  dito.

Hindi pa man nakakapagsumite ng kanyang certificate of candidacy, sinimulan na ni Maganto ang pagbibigay ng medical assistance sa mga mahihirap niyang nasasakupan kung saan 5,000 katao ang nabiyayaan partikular ang mga na-confine sa mga ospital na hindi makabayad ng kanilang medical bills at 35,000 bata ang sumailalim sa feeding program upang matiyak na makakain ng sapat ang mga ito.

Ang mga ito ang na­ging batayan ng 135 sa 184 barangay chairman sa nasabing distrito upang suportahan ang kandidatura ni Ma­ganto sa pamamagitan ng isang manifesto na kanilang nilagdaan sa idi­naos na salu-salo sa Manila Hotel na pi­na­magatang One United Team Maganto 2013.

Ayon kay Maganto, hindi niya inaasahan ang suporta ng mga kapitan lalo na sa tulad niyang baguhan sa politika.

Noong nakaraang taon libong kabataan din na nagnanais makatapos sa pag-aaral ang nabibiyayaan ng scho­larship grants mula rin kay Maganto, sa pakiki­pagtulungan ng F. Ma­ ganto Construction at 360 International, kasama ang mga leader ng Have Faith Volunteers.

Adbokasiya ni Ma­ ganto na tutukan ang pagbibigay ng mga programa sa kalusugan, edukasyon at pagbibigay ng matino at mara­ngal na trabaho para sa kanyang mga nasasa­kupan. 

Kilala ang lady congressional bet na nagtuturo sa mga barangay officials ng tama at responsableng paggamit ng baril upang maging sandata nila sa kanilang nasasakupan sa pagsugpo sa krimen.

Maging ang mga in­mates ng BuCor ay kan­ yang binigyang pagka­kataong bumangon muli sa pamamagitan ng pamimigay ng livelihood pro­jects sa mga ito.

 

ADBOKASIYA

AYON

FAITH MAGANTO

HAVE FAITH VOLUNTEERS

MAGANTO

MANILA HOTEL

ONE UNITED TEAM MAGANTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with