^

Bansa

Air time ng kandidato sa TV, radyo tututukan ng Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Simula mamayang alas-12 ng hatinggabi ay tututukan na nang husto ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng istasyon ng radyo at telebisyon upang mamonitor ang itinakdang air time limits sa mga kan­­didato sa halalan sa Mayo 2013.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillan­tes, Jr., alinsunod ito sa pinaiiral na regulasyon sa mga patalastas ng mga kan­didato sa broadcast.

Paliwanag ni Brillantes, hanggang hindi  ina­aksyunan ng Supreme Court ang hinihinging TRO ng KBP at ilang media network ay tuloy ang kanilang monitoring.

Matatandaang dumulog sa SC ang Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas, GMA7 at TV5 upang ipawalang-bisa ang itinakdang limitasyon ng Comelec sa mga political ads o mas kilala bilang aggregated airtime limit na 120 minutes sa TV at 180 minutes sa lahat ng himpilan ng radyo.

Sa kanilang petis­yon, kinukuwestiyon ng mga naturang network ang Comelec ruling dahil sa pagiging labag umano sa batas lalo pa at mapagkakaitan ng karapatan ang mga kandidato na mara­ting ang mga mamamayan sa malalayong lugar.

Depensa ni Brillantes, ang pinairal nilang  pa­takaran ay alinsunod sa Fair Election Act.

Ngunit kung ibabasura aniya ng Kataas-taasang Hukuman ang naturang regulasyon ay kanila namang susundin.

 

AYON

BRILLANTES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLAN

FAIR ELECTION ACT

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with