Kapag UNA bets nanalo... Peace talk sa MILF mababasura
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Sen. Franklin Drilon na posibleng mabalewala ang isinusulong na peace agÂreement ng gobyernong Aquino sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kapag karamihan nang mananalo sa darating na May 2013 elections ay mula sa United NaÂtionalist Alliance (UNA).
Sinabi ni Sen. Drilon, campaign manager ng Team PNoy, mahalaga kay Pangulong Aquino na manalo ang kanyang mga manok sa pagiging senador at kongresista upang mabilis na mapagtibay ang basic law para sa Bangsamoro entity kaÂpalit ng Autonomous Region for Muslim MinÂdanao (ARMM).
Wika ni Drilon, magsisilbing referendum na rin ang darating na May 2013 elections upang malaman kung nais ba ng botante na manatili ang ARMM o palitan na ito ng Bangsamoro entity.
Nagbanta pa si Drilon na posibleng hindi suportahan ng mga kandidato ng UNA ang isinusulong na ito ng gobyerno kapag sila ang nangibabaw sa senatorial at congressional race at magkaroon ng UNA-dominated opposition sa 16th Congress.
“Kaya importante para kay Pangulong NoyÂnoy na ang kanyang mga kaÂalyado, ang kanyang mga handpicked na kandidato sa Team PNoy ay mailuklok sa Senado dahil ito po ang magtutulak sa polisiya ng administrasyon tungkol sa kapayapaan sa autonomous region of muslim Mindanao,†banta pa ni Drilon.
- Latest