DOTC sinisi ang LTFRB sa kawalan ng franchise
MANILA, Philippines - Isinisi ng Department of Transportation and Communication (DOTC) sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang kawalan ng franchise na maibigay sa mga nagnanais na magnegosyo ng pampasaherong sasakyan sa bansa.
Sinabi ni Flor Creos, technical assistance head ng DOTC, hanggang ngaÂhyon ay hindi pa naisusumite ng LTFRB ang report nito hinggil sa imbentaryo ng mga pampasaherong sasakyan sa bawat ruta dahilan upang hindi nila malaman kung aling ruta ang kailangang dagdagan ng pumapasadang mga passenger vehicles.
Anya, inabisuhan na nila noon pa ang tanggapan ni LTFRB Chairman Jaime Jacob na isubmit sa kanila ang listahan ng bilang ng mga naibigay na prangkisa sa bawat ruta para makagawa ng report kung kailangang magbukas ng ilang linya, pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nakakatanggap ng kaukulang report.
Malaki ang kanyang paniwala na may ilang mga ruta sa ngayon ay sobra-sobra ang mga sasakyang nabigyan ng ruta kayat madalas na makaranas dito ng matinding traffic. Sa ngayon, ang bukas na linya lamang ay para sa tourist bus.
- Latest