M’cañang kay Lozada: Sumunod na lang sa batas
MANILA, Philippines - Hindi kinagat ng Malacañang ang ‘paawa effect’ ni NBN-ZTE deal whistleblower Rodolfo “Jun†Lozada Jr. bagkus ay pinayuhan itong sumunod na lamang sa proseso ng batas.
Sinabi ni Presidential Communications Sec. Ricky Carandang sa media briefing kahapon, walang kaibigan o kakampi sa mata ng batas dahil kailangan naÂting sumunod sa proseso.
Nagpalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kay Lozada sa 2 counts of graft case nito na inakyat ng Ombudsman sa anti-graft court.
Siniguro ni Carandang na hindi makikialam si PaÂngulong Aquino sa kaso ni Lozada na ngayon ay subject ng arrest warrant ng Sandiganbayan.
Nahaharap sa kasong graft si Lozada kaugnay sa umano’y ginawa nitong pagbibigay ng kapangyarihan sa kanyang kapatid at sa isang korporasyon na koÂnektado naman sa kanya at sa kanyang maybahay hingÂgil sa pagpapaupa sa isang lote ng gobyerno nang siya pa ang pangulo ng Philippine Forest Corporation noong 2007.
Una rito ay paiyak na nagpa-interbyu si Lozada sa mga telebisyon matapos magpalabas ng arrest warrant ang anti-graft court laban sa kanya.
- Latest